Saturday, September 25, 2010

Mailap na Pangarap

Paano ko ba sasabihing mahal kita?
Hindi mo naman ito madarama
Kay layo mo na
Kayhirap abutin
Isang pangarap na mananatiling pangarap
Isang panaginip na kailan man
Ay di magaganap

Marahil ako’y isang tanga
Nangangarap maangkin ka
Ah bakit nga ba, hinahangad ka?
Sa sulok ng aking puso
Inaasam -asam
Sana’y maambunan kahit tingin man lang
Isang matamis na ngiting para sa akin lang
Sana’y masulyapan
Kahit minsan lang

Ngunit itong mundo nati’y magkalayo
Ako’y nasa Silangan,ika’y nasa Kanluran
Isang kahangalan ang aking pag-asam
Masuklian ang aking nararamdaman


Isa kang mailap na pangarap
Walang katiyakang matutupad
Ngunit ako’y nagpapasalamat
Ika’y nakilala’t minsa’y nakausap

Marahil ay hindi mo nauunawaan
Bakit itong damdamin
Ay para sa ‘yo lamang
Akala mo siguro nagbibiro ako
Nang minsan sabihin ko
“Ika’y aking gusto….”

Marahil ay hindi na dapat maghangad
Ng lalabis pa sa isang pangarap
Dapat na ikasiya
Minsan ay nadama
Napukaw na damdamin
Iyong napaligaya

Ngunit sana lang
Kahit sa pangarap lang
Minsa’y sumagi ako sa iyong isipan
Sana man lang iyong naramdaman
Itong katangahang hindi ko mapigilan…

Thursday, September 16, 2010

Wondering Woes

I have often wondered
Why I still like you..
It’s been a year already
And still you haven’t got a clue
I have told you many times
I have sent tags and comments, too
I have written poems
Expressing my feelings for you
And yet I still haven’t
Gotten a single clue
As to how you have taken it
Whether you are flattered
Or just simply irritated
I wonder when I will get answers
These questions bugging my head
Maybe I shouldn’t hope
'Cause it will be all for naught
This crazy feeling I have
For that special someone
Better forget it ?
Or just let it go at that…

Saturday, September 4, 2010