Ano nga ba sasabihin ko? Ayun,naalala ko na…
Madalas ka bang makalimot? Ako,oo.Maraming beses na.Madalas nalilimutan ko saan ko nailagay ang susi… Minsan pati wallet nawawaglit. Kapag nalimutan kong ilagay sa bag at nailapag kung saan,asahan mo , kaytagal ng hanapan. Nagmanhik manaog na ko at nahalungkat ang mga gamit…ayun,andun lang pala sa tabi ng computer…Kasi naman,ang hilig maglapag ng gamit kung saan- saan…
“Ay malapit na ang bertdey ni Kwan”, kapag nakita ko sa diary calendar na may magdaraos ng kaarawan. Sa mismong araw ng kapanganakan, ayun, at akin nang nakalimutan batiin…kailangan pang ipaalala ng kasamahan na bertdey ni ganito… Hay! kaya madami ang nag –aaway na mag –asawa o magsyota minsan,dahil nakalimot sa bertdey..nangyari na ba sa yo yan?
“Teka lang, kilala kita,pero…ano nga bang pangalan mo?” tanong mo sa nakasalubong sa mall o sa kalye na pamilyar sa yo ang mukha. “Saan ba kita nakasama dati?” Nakatutuwang isipin na naalala natin ang mukha pero hindi maapuhap ang pangalan. Kapag nasabi na ang pangalan, sagot ay” Oo nga,ikaw si ano. Pasensya ka na malimutin na kasi ako”. Madalas itong mangyari sa akin,matandain ako sa mukha pero ang bilis kong makalimot sa pangalan. Nakakahiya man aminin,madalas hindi na lang ako bumabati dahil hindi ko maalala ang pangalan,o isang matipid na ngiti na lang.
Hindi rin ako matandain sa edad. Marahil sa mabilis na paglipas ng panahon,nakakalimutan ko ang edad ko kapag may nagtanong. Madalas ,humihinto ako at nag-iisip bago sumagot.
Nangyari na ba ‘yo ,na minsan meron kang gagawin pero nalilimutan mo kung ano ‘yon? Sa akin, madalas. Kapag mayron akong kukunin na isang bagay,minsan napapaisip pa ko..” Ano nga ba’ng kukunin ko?
Nalimutan mo na ba ang password mo? Hay,kailangan ko pang gumawa ng listahan para lang matandaan ang mga passwords ko. Sa dami naman kasi ng accounts sa kung anu-anong social networking sites,lagi na lang ako na invalid password kapag walang kodigo.
Ah..bakit ba ganon? Dala na ba ito ng katandaan? O sa dami ng iniisip ko kaya madalas akong makalimot? Minsan tuloy,nahihiya na ko sa sarili ko,kasi ang feeling ko ang tanda- tanda ko na dahil sa sakit na kalimot. Marahil,kailangan ko na ng reminder para makaalaala. O kaya naman,e,”post it” para lagi kong nakikita o listahan ng mga bagay na gagawin o bibilhin.
Ang alam ko meron pa akong gagawin… Ano nga ba yun? Bukas na nga lang…antok na ko.
Konti lang ang lumalabas na ideya… kulang pa…bukas na lang uli, dadagdagan ko. Mag-iisip ako mamayang gabi….sana lang maalala ko pa bukas…
random,analytical,rational,irrational,clear,confused, inquisitive thoughts... whatever comes to mind...
Thursday, August 19, 2010
Saturday, August 14, 2010
Hinagpis ng Puso
Hindi ka man lang nagpaalam
Lumisan nang gano’n na lang
Ako ba’y may kasalanan
Bakit ako’y iniwan?
Hindi ko man lang nasabi
Saloobin kong nakubli
Hindi ko man lang naisawalat
Damdamin kong nagulat
Nag uumapaw sa sakit
Napakahapdi at pait
Nararamdaman kong pangungulila
Sa akin ay pasakit
Bumuhos na ang luha
Hindi pa rin mahugasan
Hindi pa rin maibsan
Sakit na nararamdaman
Saang sulok magkukubli?
Kanino tatakbo?
Kanino masasabi?
Itong nararamdaman
Paga na ang mata sa luha
Pagod na sa pagyupyop
Salat na ang damdamin
Hungkag na ang puso
Bagaman nalulumbay
At wala nang kaagapay
Kailangang magparaya
Kailangang ipabuya
Sa akin man ay sakit
Sa iyo ay kaligayahan
Sa akin man ay pagdurusa
Sana sa paglisan
Kapayapaan ang hantungan
Paalam….
Lumisan nang gano’n na lang
Ako ba’y may kasalanan
Bakit ako’y iniwan?
Hindi ko man lang nasabi
Saloobin kong nakubli
Hindi ko man lang naisawalat
Damdamin kong nagulat
Nag uumapaw sa sakit
Napakahapdi at pait
Nararamdaman kong pangungulila
Sa akin ay pasakit
Bumuhos na ang luha
Hindi pa rin mahugasan
Hindi pa rin maibsan
Sakit na nararamdaman
Saang sulok magkukubli?
Kanino tatakbo?
Kanino masasabi?
Itong nararamdaman
Paga na ang mata sa luha
Pagod na sa pagyupyop
Salat na ang damdamin
Hungkag na ang puso
Bagaman nalulumbay
At wala nang kaagapay
Kailangang magparaya
Kailangang ipabuya
Sa akin man ay sakit
Sa iyo ay kaligayahan
Sa akin man ay pagdurusa
Sana sa paglisan
Kapayapaan ang hantungan
Paalam….
Subscribe to:
Posts (Atom)